^

Metro

6 sugatan sa paputok

-
Anim katao ang nasugatan dahil sa paputok sa pagdiriwang nila ng Pasko, kahapon ng madaling-araw sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Eduardo Reyes,19; Alisna Mozano, 32; Val Estrella, 22; Joy Veloso, 13; Romeo Tungha, 11; at Russel Poson, 2, pawang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa rekord ng naturang pagamutan, ang mga biktima ay naputukan sa kamay habang ang ilan dito ay natalsikan ng mga paputok.

Kaugnay nito, nagbabala si CPD director Victor Luga sa mga mamamayan na iwasan ang pagpapaputok ng mga firecrackers laluna sa darating na pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang anumang sakuna. "Mas magiging maganda ang pagsalubong natin sa darating na Bagong Taon kung gagamit na lamang tayo ng ibang uri ng pag-iingay kaysa sa paputok." (Rudy Andal)

vuukle comment

ALISNA MOZANO

BAGONG TAON

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDUARDO REYES

JOY VELOSO

QUEZON CITY

ROMEO TUNGHA

RUDY ANDAL

RUSSEL POSON

VAL ESTRELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with