Namasada para sa pamilya, taxi driver tinadtad ng mga holdaper
December 26, 2000 | 12:00am
Isang taxi driver na nais lamang mabigyan ng masaganang noche buena ang kanyang pamilya kaya namasada ang tinadtad ng saksak makaraang manlaban ito sa dalawang holdaper na kanyang naisakay, kamakalawa ng gabi sa Cubao, Quezon City.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ay si Dick Alvarez, 46, may asawa at nakatira sa Westlang st., SSS Village, Marikina City.
Ayon sa ulat, bandang alas-10 kamakalawa ng gabi nang maisakay ng biktima ang mga suspek sa kanyang minamanehong taxi at nagpahatid sa Cubao.
Habang binabagtas ng mga ito ang kahabaan ng Aurora blvd. ay biglang nagpahayag ng holdap ang mga suspek at tinutukan ang driver ng patalim.
Tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang kinita sa pamamasada kaya sinaksak siya ng mga suspek saka siya inihulog palabas ng sasakyan nito.
Kahit sugatan ay nakuha pang makahingi ng tulong ng biktima sa mga tao sa kanto ng EDSA at Aurora blvd. pero hindi na ito umabot ng buhay sa naturang pagamutan.
Tinangay naman ng mga holdaper ang taxicab ng biktima na hinihinala ng mga awtoridad na gagamiting get-away vehicle ng mga ito sa isasagawa nilang panibagong panghoholdap sa Kamaynilaan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended