^

Metro

Bomber todas sa dalang bomba

-
Nagkalasug-lasog ang katawan at halos hindi makilala ang bangkay ng isang pinaghihinalaang "bomber" makaraang sumabog ng wala sa oras ang itatanim nitong bomba sa isang sinehan sa Cotabato kamakalawa ng gabi.

Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ng mga awtoridad ang pangalan ng nasawing suspek bagamat naaresto ang pinaghihinalaang kasabwat nito na si Nick Benduma na kasalukuyan nang nakakulong sa Cotabato City Police Station.

Nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi nitong Linggo nang maganap ang unang pagsabog sa Sultan Theater kung saan dalawa sa sibilyang nanonood ng sine ang malubhang nasugatan. Nakilala ang mga biktima na sina Ernesto Bolalon at Rommel Abdiervirada.

Makaraan ang labing-limang minuto, isang pagsabog din ang yumanig sa City Theatre kung saan natagpuan ang pira-pirasong bangkay ng bomber at ang duguang sibilyan na nakilalang si Mastura Ismael.

Bago naman tuluyang sumabog ay matagumpay na na-detonate ng Explosives Disposal Team ng Philippine Marines ang itinanim na bomba sa Young’s Theatre ng nasabing lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang nasawing bomber at ang naarestong kasamahan nito ang nagtanim ng ilang homemade bombs sa mga sinehan sa naturang lalawigan.

Nabatid na nasawi ang suspek matapos ang ilang minutong pakikipaghabulan nito sa security guard ng City Theatre nang maghinala sa kanyang kakaibang kilos. Habang nakikipaghabulan, aksidenteng sumabog ang isa sa mga dala-dala nitong bomba.

Ayon sa mga imbestigador, ang sunod-sunod na pagpapasabog sa mga sinehan ay may kinalaman sa mainit na pulitika sa naturang lalawigan. Gayunman, tumanggi ang mga imbestigador na kilalanin kung sino ang "utak" ng nasabing pagpapasabog habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

CITY THEATRE

COTABATO CITY POLICE STATION

ERNESTO BOLALON

EXPLOSIVES DISPOSAL TEAM

GAYUNMAN

JOY CANTOS

MASTURA ISMAEL

NABATID

NICK BENDUMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with