Ngunit hindi nagtagumpay ang mga suspek na sina Lino Tan, 30, binata, driver, ng #61 Catalino Cruz st., Bgy. Pinagbuhatan, Pasig at si Rico Molina, 34, may-asawa, driver at residente ng Kennet Road, Block 24, Bgy. Pinagbuhatan.
Inireklamo sila ng kanilang supervisor na si Tessy Aldovino, 30, ng Pinesville Manufacturing Company sa may Sandoval Avenue, Pasig City na nagtangkang tumangay ng pera at mga gamit ng kumpanya dakong ala-1:00 ng madaling-araw.
Sa ulat ng pulisya, puwersahang winasak ng dalawang suspek ang kandado ng naturang kumpanya at pumasok sa opisina nito pagkatapos tinangay ang may P60,000 halaga ng salapi at isang cellphone.
Ngunit dahil sa umanoy naliliitan sila sa naturang halaga ng paghahatian kayat nagkaisa ang dalawang suspek na tangayin rin ang may 100 pirasong unan sa service car ng kumpanya upang ibenta rin nila para maging pera.
Nabatid na may nakakita sa ginawang pagtangay ng dalawa at iniulat ito kay Aldovino.
Humingi ng tulong si Aldovino sa pulisya at naaresto ang mga suspek sa isinagawang operasyon at nabawi ang mga tinangay ng mga ito. (Ulat Ni Danilo Garcia)