^

Metro

Naagnas na bangkay sa folding bed nadiskubre

-
Dahil sa pagsingaw ng mabahong amoy, nadiskubre kahapon ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang bangkay ng isang 68-anyos na lalaki sa loob ng kanyang silid sa Tondo, Maynila.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Danny Vidad ng WPD-Homicide Division, ang biktimang si Raymund Geneblanco, binata, naninirahan sa No. 1103 Narciso St., Tondo, ay nadiskubre ng mga kapitbahay nito na naaagnas na habang nakahiga ito sa kanyang folding bed.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima noong December 19 sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa nasabing lugar, ngunit mula noon ay di na ito lumabas ng kanyang silid at nadiskubreng ito ay patay na nang mangamoy ang bangkay nito.

Sinabi ng pulisya na posibleng sinumpong ng sakit sa puso ang biktima at dahil sa nag-iisa lamang ito sa kanyang tirahan ay di na nito nagawang humingi pa ng tulong sa mga kapitbahay nito, hanggang sa nalagutan na ng hininga. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

BATAY

DAHIL

DANNY VIDAD

GRACE AMARGO

HOMICIDE DIVISION

MAYNILA

NABATID

NARCISO ST.

RAYMUND GENEBLANCO

SINABI

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with