^

Metro

Akala'y palyado, baril itinapon, pumutok; sekyu todas

-
Sa pag-aakalang palyado ang baril, isang lasing na sekyu ang nasawi makaraang aksidenteng pumutok ito ng kanyang itapon habang dumadalo sa isang party sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa ospital si Jessie Custodio, 44, ng Dolphin Security & General Services, ng Pinagbuhatan, Pasig City.

Nabatid na nagbabantay ang biktima sa MACO warehouse ng imbitahan ng ilang kalalakihan sa ginaganap na birthday party. Pinaunlakan ito ng biktima at habang masayang nakikipag-inuman ay kinuha nito ang kanyang service firearm na kalibre .38 at nagpaputok ng ilang beses paitaas pero hindi pumutok.

Sa pag-aakalang sira ang baril ay itinapon ito ng biktima pero pumutok at tinamaan siya sa kili-kili. Narekober ng pulisya ang nasabing baril na may lamang apat na bala at isang basyo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DOLPHIN SECURITY

GENERAL SERVICES

JESSIE CUSTODIO

LORDETH BONILLA

NABATID

NAREKOBER

PASIG CITY

PINAGBUHATAN

PINAUNLAKAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with