Kinilala ni DILG-Special Task Force head, C/Insp. Nelson Yabut ang mga suspek na sina Herminio Mariano Jr., 42, NBI confidential agent; Domingo Tulad, Sr., 65; Bernardine Rafael Jr., 39; Czer Pineda, 45; Walter Chua, 32; Antonio Corpuz, 48; Arturo Velasquez, 51; Alfredo Flameno, 36; Adelina Rosales, 36; Maximo Villar, 40; Armando Velasquez, 51, at Caridad Feliciano, 62.
Nabatid na mismong si DILG Secretary Alfredo Lim ang nakapuna sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek na madalas niyang mamataan sa Legazpi Tower sa Vito Cruz st., kanto ng Roxas blvd. Si Sec. Lim ay nakatira sa nasabing gusali at dito nito madalas natatanaw ang mga suspek.
Inatasan ni Sec. Lim si Yabut na magmatyag at ng matukoy ang target ng grupo ay kinausap nito ang target na makipagtulungan dahil sindikato umano ang mga ito at manloloko.
Inamin ng bibiktimahing si Perico Hao, 56, may-ari ng Pennylane Duty Free Shop sa Clark Economic Zone sa Angeles City at pinuno ng 3rd World Upliftment Foundation na nakapagbigay na siya ng halagang P50,000 sa grupo bilang panggastos ng mga ito matapos siyang bigyan nito ng Ang Bagong Lipunan Gold Memorandum Certificate na 2,500 metric tons ng gold reserves.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang .357 revolver at caliber 40 pistol na walang lisensiya.
Nabatid na isa ring Lani Co sa Davao City ang naloko ng naturang grupo.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek na nakakulong ssa DILG-STF. (Ulat ni Rudy Andal)