^

Metro

Nagtago ng kaibigang may atraso, pinatay

-
Dahilan sa pagtatago ng kaibigan na may atraso, sinaksak hanggang sa mapatay ang isang 56-anyos na lalaki ng kaaway ng una, kamakalawa ng gabi sa Malabon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Amado Medina, ng 22 Sitio Jasmin, Niugan, ng nasabing bayan.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Nestor Ramirez, 40, at residente rin ng nasabing lugar na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima matapos na puwersahang pumasok dito ang suspek.

Bago pa umano maganap ang pananaksak ay nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima at hinahanap ang isang Eddieboy Paras na umano’y kaibigan ng huli.

Sa pag-aakalang itinatago ng biktima si Paras na may atraso kay Ramirez ay puwersahan umano itong pumasok sa bahay bago bumunot ng patalim at sinaksak ang una na naging sanhi ng kamatayan nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AMADO MEDINA

DAHILAN

EDDIEBOY PARAS

GEMMA AMARGO

MALABON

NESTOR RAMIREZ

NIUGAN

PAGAMUTANG BAYAN

RAMIREZ

SITIO JASMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with