Pinagalitan sa paggamit ng shabu, anak nagbigti sa harap ng ama
December 22, 2000 | 12:00am
Matapos mapagalitan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, isang 22-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang sintas ng sapatos, mismo sa harapan ng kanyang ama, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Las Piñas.
Nakilala ang nasawi na si Melencio Zapanta Jr., ng Bgy. Ligas, Bacoor, Cavite.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 kamakalawa ng hapon sa kanilang ginagawang bahay na pinagtatrabahuhan ng ama nitong si Melencio Sr. na ang address ay sa Lanzones st., Doña Manuela Subd., Bgy. Pamplona 3, nabanggit na lungsod.
Nabatid na pinuntahan umano ng batang Melencio ang kanyang tatay upang humingi ng pera, subalit pinagalitan ito dahil sa paggamit ng droga.
Hindi matanggap ng binata ang panenermon sa kanya ng ama kayat kinuha nito ang kanyang sintas ng sapatos at tinali sa leeg.
Pinigilan ng matandang Melencio ang anak subalit hindi ito nakinig sa halip, itinuloy nito ang pagtali sa leeg at saka itinali sa isang haligi at isinagawa ang pagpapakamatay.
Hindi na nagawang iligtas ng ama ang anak na nagpakamatay kung saan agad itong binawian ng buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended