Executive ng Equitable Bank pumalag sa rape, tinodas ng lasing
December 21, 2000 | 12:00am
Isang 38-anyos na magandang ginang na isang assistant manager ng banko ang nasawi, matapos itong saksakin ng isang lasing na construction worker na nagtangka umanong gumahasa sa biktima habang ang una ay naglalakad upang dumalo sa isang Christmas party malapit sa kanilang subdivision, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Namatay habang ginagamot sa South Super Highway Medical Center ang biktima na nakilalang si Annabelle Guillermo, assistant manager ng Equitable Bank na ang sangay ay sa Makati City at nakatira sa #533 Simon st., Annex 41, Bgy. Sun Valley ng lungsod na ito sanhi ng saksak sa katawan.
Samantala, ang suspek na nakilalang si Joel Villones, 26, binata, tubong Roxas City, nakatira sa Siete y Media st., Antipolo City ay mabilis namang nadakip.
Sa imbestigasyon ng Parañaque City, dakong alas-10:40 kamakalawa ng gabi sa Simon st., Bgy. Sun Valley, lungsod na ito ay naglalakad ang biktima para dumalo sa isang Christmas party malapit sa kanilang subdivision.
Pagsapit ng ginang sa Joseph st. ay biglang sumulpot ang lasing sa alak na suspek at tinutukan ito ng patalim at pilit na pinahuhubad ang damit nito.
Nanlaban ang babae kayat inundayan ito ng saksak ng suspek.
Duguang bumagsak si Guillermo at nakita ng guwardiyang si Reynante Morante at isinugod sa nabanggit na pagamutan subalit namatay din.
Naaresto naman ng rumespondeng mga barangay tanod si Villones. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am