^

Metro

Driver umiwas sa trapik sinapak ng PBL player

-
Walong tahi sa kanang kilay ang tinamo ng isang 41-anyos na taxi driver matapos na sapakin ng isang player ng Philippine Basketball League (PBL) ng hindi umano magustuhan ng huli ang pag-iwas sa trapiko ng una, kamakalawa ng hapon sa tapat ng PNB Harrison Plaza, Maynila.

Sa salaysay ni Rolando Ochosa, may asawa, driver ng Ord taxi at residente ng Blk 25 Lot 3 Mongolia st. Bgy. Salawag, Dasmarinas, Cavite, dakong alas-2 ng hapon ng parahin siya ng suspek na si Jay Lapinid, 22, binata, PBL player sa koponan ng nangungulelat na Pharma Quick at nakatira sa San Isidro, Pasay City.

Kasama ni Jay ang nobya nito ng sumakay at magpahatid sa Glorietta.

Ilang metro pa lang ang naitatakbo ng taxi ay ikinaliwa ito ng driver para idaan sa Taft Avenue dahil sobra umano ang trapik sa Vito Cruz, Harrison st.

Sinita ng suspek ang biktima bakit nito ikinaliwa at nangatwiran ang huli na maiipit sila sa trapik kapag nagpilit ito na doon dumaan.

Para umano hindi na humaba ang pagtatalo ay itinabi ng driver ang taxi at mahinahong sinabihan na bumaba na lang.

Dahil napahiya umano sa kasintahan ay tinapik ng suspek sa balikat ang biktima at paglingon ng driver ay sinapak ito ng suspek.

Nagkagulo sa loob ng taxi na nakatawag pansin naman sa mga nagpapatrulyang pulis. Inaresto ang player at nahaharap sa kasong serious physical injuries. (Ulat ni June Trinidad)

vuukle comment

HARRISON PLAZA

JAY LAPINID

JUNE TRINIDAD

PASAY CITY

PHARMA QUICK

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

ROLANDO OCHOSA

SAN ISIDRO

TAFT AVENUE

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with