Promdi nangholdap ng taxi, todas sa pakikipagbarilan
December 20, 2000 | 12:00am
Isang probinsiyano na umanoy nangholdap ng taxi driver upang may maiuwing pera sa kanilang lalawigan ngayong kapaskuhan ang napatay makaraang makipagbarilan ito sa mga awtoridad, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ang napaslang base sa nakuha ditong drivers license na si Oscar Mabutas, 23, ng San Isidro, Bacun, Sorsogon.
Sa ulat ng Central Police District station 3, dakong alas-3 ng madaling araw habang nagpapatrulya sina SPO1 Edgardo Cruz at SPO1 Ariel Cantora ng Talipapa Police Community Precint sa kahabaan ng Mindanao Ave. ng mamataan ng mga ito ang suspek sa loob ng Kalayaan taxi at tila hinoholdap ang driver na si Rogelio Drillo.
Hinabol ng mga pulis ang naturang taxi at ginamitan ng sirena sabay sinenyasan na tumabi, pero sa halip na huminto ay binaril umano ng suspek ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa matadtad ng bala ang naturang holdaper na ikinamatay nito. Hindi naman nasugatan ang driver makaraang sumubsob ito sa kanyang drivers seat.
Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang paltik na kalibre .38 at pitaka nito na naglalaman ng kanyang drivers license. Nabawi din ang pera na kinuha ng suspek sa naturang driver. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended