Grupo ng El Shaddai nangaroling; sasakyan nalubak, 1 patay, 3 grabe
December 19, 2000 | 12:00am
Nauwi sa madugong insidente ang masayang pamamasko ng pitong miyembro ng El Shaddai Movement ng malubak ang kanilang sinasakyang traysikel at bumaligtad na ikinamatay ng isang dalaga at malubhang pagkasugat ng tatlo pa, habang papauwi ang mga biktima kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.
Dead-on-the-spot si Michelle Romera, 19, ng Tagaytay st., Caloocan City. Malubha naman sa Chinese General Hospital sina Mary Grace Abing, 17, estudyante, ng QC; Maryjane Lopez, 17, estudyante, ng Caloocan at ang driver ng traysikel na si Wilfredo Sapata, 47, ng Caloocan.
Nabatid na galing ang grupo sa Tambunting st., sa Tondo at umarkila ng traysikel na minamaneho ni Sapata upang gamitin sa pangangaroling sa mga bahay-bahay.
Matapos makapangaroling ay umuwi na ang grupo at habang padaan sa Aurora Blvd. sa kanto ng Leonora Rivera st. ay hindi napuna ni Sapata ang nakabukas na manhole at dahil sa bilis ng takbo ay nalubak at bumaligtad ang traysikel.
Tumilapon si Romera at humampas ang ulo sa gutter ng bangketa na ikinamatay nito habang nagkasugat-sugat ang kanyang mga kasama. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple serious physical injuries si Sapata. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended