^

Metro

'The Ping Lacson Story' iboykot - KMU

-
Nanawagan kahapon ang libo-libong kasapi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa sambayanang Pilipino na iboykot ang paggawa ng pelikula ni PNP chief Director Gen. Panfilo Lacson na pinamagatang "The Ping Lacson Story" mula sa produksiyon ng Millenium Cinema na pag-aari ng pamilyang Estrada.

Ayon kay Ina Alleco Silverio, public information officer ng KMU, hindi umano isang bayani si Lacson at anila marami itong ipinapatay na biktima.

Tahasang sinabi ng KMU na ang gagawing pelikula ni Lacson ay isang "film distorting reality" habang ang Millenium Cinema ay binuo at itinatag ng pamilya Estrada noong 1999.

"May kasong plunder na nakasampa laban kay First Lady Loi Estrada at sa ibang miyembro ng presidential family at nananawagan kami para sa boykot at suportahan ang nasabing kaso. The movie not only glorifies a human rights violator, it’s also the production of a company founded on ill-gotten wealth," sabi ni Silverio.

Binatikos rin ng KMU ang aktor na si Rudy Fernandez na siyang gaganap bilang Ping Lacson dahil gagamitin lamang umano ng action star ang nasabing pelikula para sa pre-election campaign sa planong pagtakbo bilang alkalde sa Quezon City. (Ulat ni Ellen Fernando)

DIRECTOR GEN

ELLEN FERNANDO

FIRST LADY LOI ESTRADA

INA ALLECO SILVERIO

KILUSANG MAYO UNO

LACSON

MILLENIUM CINEMA

PANFILO LACSON

PING LACSON

PING LACSON STORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with