^

Metro

Political detainees patatakasin ng NPA rebels

-
Mahigpit na seguridad ang pinatutupad ngayon sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City matapos makatanggap ng intelligence report na sasalakay umano dito ang maka-kaliwang grupo ng New People’s Army (NPA) upang itakas ang mga nakakulong na political detainee.

Nabatid na ang buong compound ng NBP ay hinarangan ng barbedwire at magdamagang pagbabantay sa palibot nito ang iniutos upang maiwasan ang anumang karahasan na maaaring maganap sakaling magkaroon ng pagsalakay.

Ang alert status ay paiiralin lalu na sa hatinggabi.

Sa nakalap na intelligence report, nagbanta umano ang NPA na lulusob anumang oras sa Pambansang Bilangguan para sa pagpapalaya sa mga nakakulong na political prisoners. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANUMANG

INTELLIGENCE

LORDETH BONILLA

MAHIGPIT

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NEW BILIBID PRISONS

NEW PEOPLE

PAMBANSANG BILANGGUAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with