Vocational school pinatos ng akyat-bahay
December 17, 2000 | 12:00am
Hindi pinaligtas ng mga miyembro ng akyat-bahay gang ang isang vocational electronic school matapos itong pasukin at tangayin ang mga kagamitan dito, kamakalawa ng gabi sa pasig City.
Ang pagnanakaw ay iniulat ni Leonardo Tamayo, ng Belta Institute of Technology sa B & G bldg., Dr. Sixto Ave. kanto ng C. Raymundo Ave., Bgy. Sagad, nasabing siyudad matapos madiskubre dakong alas-8:10 ng umaga ng pumasok na ang mga emplyeado nito.
Winasak ng hindi nakikilalang mga suspek ang kandado ng gate ng paaralan saka sinira ang kandado ng pinto. Tinangay ang 16 unit ng multi-tester na nagkakahalaga ng P16,000, mga gamit pang-mekaniko, isang audio generator na may halagang P3,000 at anim na soldering gun.
Sinisiyasat na ng pulisya ang anggulong may kinalaman ang ilan sa mga estudyante ng paaralan na walang maibili na naturang mga gamit na requirements sa kanilang pag-aaral. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended