Shabu hideout ni-raid; 2 Chinese traffickers nakatakas
December 17, 2000 | 12:00am
Muling umiskor ang PNP Narcotics Group matapos makakumpiska ng 35 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P70 milyon sa isang pagsalakay sa hideout ng pinaghihinalaang big-time Chinese drug syndicates sa isinagawang operasyon sa Caloocan City.
Gayunman, nabigong maaresto ng grupo ni PNP-Narcotics Group Director, C/Supt. Reynor Gonzales ang mga suspek na sina Wu Zhemei at Hai Qiang Zhang ng salakayin ang warehouse na hideout ng mga ito sa Block 15 Lot 92, Kaunlaran village.
Sina Zhemei at Zhang ay kasabwat umano ng naunang naarestong traffickers na sina Johnny Tan at Yim Tat Chow matapos ikanta ang mga una ng mga huli. Nakuha kina Tan at Chow ang P100M halaga ng shabu sa magkakahiwalay na raid sa Pasay at Makati City kamakalawa.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pinagtataguan nina Zhemei at Zhang. Sa kabila ng kanilang pagkakapuslit, ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng 35 kilo ng shabu sa bodega ng mga ito na nakabalot sa isang tela ng pantalon at drug paraphernalias.
Isang manhunt operation na ang tumutugis sa dalawang nakatakas na Chinese traffickers. (Ulat nina Joy Cantos/Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest