^

Metro

Puganteng Koreano nasakote

-
Isang South Korean national na makailang ulit na tumakas sa kulungan ang naaresto ng mga ahente ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa tinutuluyan nito sa Parañaque City.

Si Jung Keun Park, 49, na may alyas Chung Geun Park ay nadakip dakong alas-9:45 ng gabi sa bahay nito sa #3401 Lawaan st., United Parañaque II.

Nabatid kay PAOCTF chief Panfilo Lacson na si Park ay nahatulan sa kasong swindling sa kanilang bansa dahil sa hindi pagbabayad ng tax sa negosyo nitong pagbebenta ng mga sasakyan at matapos ito ay tumakas na at nagtungo sa Pilipinas.

Si Park ay gumamit ng visa ng isang misyonaryo pero naaresto ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) noong Hunyo 1995 dahil overstaying at sa paggamit sa pangalan ni Lloyd Samartino, manugang ni dating Pangulong Ramos, bilang kapartner niya sa negosyo.

Matapos maaresto ay pinabalik ito sa kanilang bansa noong 1997 pero pagkaraan ng dalawang buwan ay tumakas at muling bumalik ng Pilipinas gamit ang pekeng pasaporte.

Muli itong naaresto noong Enero 1998 at dinala sa BID pero muli na namang tumakas habang dinadala sa Mandaluyong City.

Ang suspek ay nakakulong sa PAOCTF at dadalhin sa BID para muling ibalik sa kanilang bansa. (Ulat ni June Trinidad)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHUNG GEUN PARK

ISANG SOUTH KOREAN

JUNE TRINIDAD

LLOYD SAMARTINO

MANDALUYONG CITY

PANFILO LACSON

PANGULONG RAMOS

PILIPINAS

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

SI JUNG KEUN PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with