Parangal ni Erap, inisnab ni Malonzo
December 14, 2000 | 12:00am
Inisnab ni Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo ang seremonya ng pagkakaloob ng parangal sa pinakamahuhusay na munisipalidad at lungsod sa paghahatid ng komprehensibo at pinagsanib na serbisyong panglipunan na ginanap kahapon sa Heroes Hall ng Malacañang.
Ang Barangay 176 ng Caloocan City ang isa sa 16 na mga lugar na napiling bigyan ng parangal na iginawad ni Pangulong Estrada at Social Welfare and Development Secretary Dulce Saguisag.
Si Malonzo lamang ang bukod-tanging Mayor ng mga napiling lugar na hindi dumalo sa seremonya at tinanggap ang tropeo at gantimpalang salaping P300,000 ng barangay chairman ng nanalong komunidad.
Dahil sa nakitang magandang epekto ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para mahango sa hirap ang mamamayan sa pamamagitan ng comprehensive integrated delivery of social services o CIDSS, sinabi ng Pangulo na daragdagan niya ng P200,000 ang gantimpalang salapi na magmumula sa kanyang social fund. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended