Pulis sugatan sa 2 holdaper
December 11, 2000 | 12:00am
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang pulis matapos na ito ay paulanan ng bala sa katawan ng isa sa dalawang holdaper na magsasagawa sana ng panghoholdap kahapon ng madaling araw sa Rotonda, Pasay City.
Nilalapatan ng lunas sa Camp Panopio Hospital ang biktima na si PO3 Novelito Gulame, residente ng Sitio Rubie, Fairview, Quezon City at nakatalaga sa Camp Crame dahil sa tinamong mga tama ng bala ng kalibre .38 sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya na bandang ala-1:00 ng madaling araw ay sakay ang biktima na nakasibilyan kasama ang kapatid nitong si Galo sa isang pampasaherong bus nang mamataan nito ang dalawang suspek na may sukbit na baril sa beywang.
Naghinala ang biktima na ang mga ito ay holdaper na nag-aabang ng mabibiktima kayat bumaba ito ng bus at sinita ang mga suspek.
Subalit sa paglapit ng biktima agad na nagbunot ang isa sa dalawang holdaper at agad nitong pinagbabaril ng maraming beses.
Mabilis na tumakas ang dalawang suspek habang isinugod ang biktima ng kanyang kapatid sa nasabing pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest