^

Metro

3 katao tiklo sa 70 aso na ipagbibili

-
Nasabat ng mga tauhan ng DILG-Special Task Force ang may 70 aso na nakatakda sanang dalhin sa Northern Luzon para gawing "azucena" habang tatlo katao na magdadala sa mga ito ang naaresto kamakalawa ng gabi sa EDSA, Quezon City.

Kinilala ni Chief Insp. Nelson Yabut, DILG-STF chief, ang mga naarestong suspek na sina Donato Rotega, 40, driver ng passenger jeep na kinalululanan ng mga aso; Robert Medina, 48, negosyante at Arnold Aguilar, 29, binata, helper na pawang nakatira sa Mendoza st., Bgy. San Roque, San Pedro, Laguna.

Ayon sa ulat ni C/Insp. Yabit kay DILG Secretary Alfredo Lim, nasabat ng mga awtoridad ang mga suspek at naturang mga aso lulan ng nasabing pampasaherong jeep galing Laguna sa harap ng Camp Aguinaldo sa EDSA, QC bandang alas-11:00 ng gabi.

Nakatanggap ng report si C/Insp. Yabut mula sa Animal Political Lobby, isang non-government organization (NGO) na nakatakdang mag-deliver ng mga aso ang naturang mga suspek sa Northern Luzon mula sa Laguna.

Inatasan ni Yabut ang kanyang mga tauhan na abangan ang naturang jeep hanggang sa mamataan nila ito sa tapat ng Camp Aguinaldo kaya nang sitahin nila ay nagtahulan ang mga aso sa loob ng improvised na kulungan.

Inaresto ang mga suspek dahil sa paglabag ng mga ito sa Section 4 ng RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998. (Ulat ni Rudy Andal)<

ANIMAL POLITICAL LOBBY

ANIMAL WELFARE ACT

ARNOLD AGUILAR

CAMP AGUINALDO

CHIEF INSP

DONATO ROTEGA

NELSON YABUT

NORTHERN LUZON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with