^

Metro

Mayor Atienza, sisiyasatin sa kaso ng taong-grasa

-
Nakatakda nang isailalim sa administrative investigation ng Office of the Ombudsman sina Manila Mayor Lito Atienza at ang kanyang task force anti-littering kaugnay ng reklamo ng may 50 taong-grasa na umano ay puwersahang isinakay sa isang garbage truck at itinapong parang mga basura sa San Mateo-Antipolo landfill mahigit isang taon na ang nakakalipas.

Sa isang order na nai-furnish sa tanggapan ni Atienza, binigyan din ni Administrative Adjudication Bureau director Mary Susan S. Guillermo ang mga respondents ng 10 araw upang mag-file ng kanilang counter-affidavits at iba pang controverting evidence sa reklamo.

Si Atienza at ang kanyang task force ay nahaharap sa kasong grave misconduct, conduct grossly prejudicial to the best interest of the service at oppression.

Ayon kay Guillermo, may sapat na basehan upang ituloy ang administrative investigation ng kaso.

Sa reklamo ng mga biktima, puwersahan umano silang pinasakay ng mga tauhan ni Atienza sa isang maruming trak ng basura at saka itinapon na para ring basura sa Antipolo landfill.

Matapos nito ay dinala ang mga biktima kay Antipolo Mayor Angelito Gatlabayan na siya namang nagpakain sa kanila at nagbigay ng pamasahe pauwi. (Ulat ni Andi Garcia)

ADMINISTRATIVE ADJUDICATION BUREAU

ANDI GARCIA

ANTIPOLO MAYOR ANGELITO GATLABAYAN

ATIENZA

GUILLERMO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARY SUSAN S

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SAN MATEO-ANTIPOLO

SI ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with