^

Metro

Anti-Erap nakipagtalo sa pro-Erap inatake sa puso, patay

-
Hindi na umabot ng buhay nang isugod sa isang pagamutan ang isang miyembro ng anti-Erap matapos itong atakihin sa puso dahil sa matinding galit habang nakikipagtalo sa grupo ng mga pro-Erap, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na nakilalang si Nestor Ocampo, 56, taga-Cavite.

Si Ocampo ay isang miyembro ng anti-Erap na dumalo sa rally kamakalawa para sa unang araw na pagdinig ng impeachment trial ni Pangulong Estrada.

Nabatid na nakipagtalo umano si Ocampo sa ilang grupo ng pro-Erap habang nakiki-rally sa Roxas Blvd.

Dahil sa matinding galit, inatake ito sa puso kung saan mabilis itong dinala ng kanyang ilang kasamahan sa nabanggit na pagamutan subalit binawian na ito ng buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CAVITE

DAHIL

DIOS HOSPITAL

ERAP

LORDETH BONILLA

NESTOR OCAMPO

PANGULONG ESTRADA

PASAY CITY

ROXAS BLVD

SAN JUAN

SI OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with