^

Metro

Condo ng ninang ginawang motel, tinangayan pa ng P.5-M

-
Galit na galit na dumulog ng himpilan ng pulisya ang isang balikbayang negosyante matapos na gawing motel ang kanyang condominium unit ay tinangayan pa siya ng alahas na umabot sa halagang P.5 milyon ng kanyang inaanak na babae kasama ang nobyo nito sa Pasig City.

Inireklamo ni Annie Ferrer, dalaga, negosyante at residente ng D-274 Alexandria Condominium, Meralco Avenue, Bgy. San Antonio, Pasig City ang kanyang itinuring umanong anak-anakan na si Denise Babsi, 19, estudyante, ng 84 Marble 2 Townhouse, Bgy. Kapitolyo, Pasig City at nobyo nitong si Dinky Gutierrez, stay-in sa Gutson Billiard sa Meralco Avenue ng naturang lungsod.

Batay sa pahayag ni Ferrer, sinabi umano sa kanya ng kanyang katulong na naganap ang pagnanakaw habang siya’y nasa Estados Unidos noon ng buwan ng Oktubre at Nobyembre.

Nagsumbong ang kanyang katulong na habang wala siya, dito umano tumutuloy ang magkasintahan tuwing gabi at ginagawang motel ang sarili niyang kuwarto. Tinakot naman umano ng mga suspek ang kanyang katulong upang huwag itong makatawag sa kanya at makapagsumbong.

Nang dumating siya noong Disyembre 7, nabatid niya na nawawala ang kanyang mga iniwang mamahaling alahas at ilang gamit. Nang kumprontahin niya ang kanyang katulong ay dito umano nito ipinagtapat ang mga nangyari.

Sinikap umano ng biktima na kausapin ang mga suspek subalit sa halip na ibalik ang mga kinuha sa kanya ay pinagbantaan pa ito ng mga suspek kasama ang ama nito kaya napilitan na siya na ipagharap na ng kasong robbery ang magkasintahan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEXANDRIA CONDOMINIUM

ANNIE FERRER

BGY

DANILO GARCIA

DENISE BABSI

DINKY GUTIERREZ

ESTADOS UNIDOS

KANYANG

MERALCO AVENUE

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with