Congressman Barbers nanapak ng 3 sekyu ?
December 7, 2000 | 12:00am
Ginulpi umano ni "Spice Boys" member Surigao del Norte Cong. Robert "Ace" Barbers at ilang bodyguard nito ang tatlong sikyu sa Ayala Commercial Center sa Makati City matapos umanong bastusin ng mga ito ang kapatid na dalaga ng una dahil sa pagtatalo sa parking, kamakalawa ng gabi.
Sinampahan ng kasong unjust vexation at harassment ni Mary Grace Barbers, 22, ng #6 Hercules st., Bel-Air Village 2, Makati City ang mga suspek na sina Carlos Arceo Bouffard Jr., Zacarias Manabo at Agripino Calibo, ng Bulldog Security Agency.
Samantala ipinagharap naman ng tatlong sikyu si Congressman Barbers ng kasong physical injury.
Itinanggi naman ni Ace ang nasabing pananakit
Sa imbestigasyon ni PO3 Rio Bucalan ng homicide section, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:30 at alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Rustans department store. Nagkaroon umano ng pagtatalo si Mary Grace at Bouffard dahil sa parking kaya tinawagan ng babae sa telepono ang kanyang kapatid na mambabatas dahil binabastos umano siya ng sikyu.
Nang dumating si Ace kasama ang ilang bodyguard ay kinompronta nito si Bouffard na nagkataon naman na nandoon din ang dalawa pang sekyu.
Dahil sa pagiging arogante ng tatlo ay nag-init umano ang nasabing opisyal at agad na sinuntok ang tatlo hanggang sa pagtulungang gulpihin ng mga bodyguard nito.
Naawat ang komosyon ng rumesponde ang mga tauhan ng Makati police at dalhin ang tatlong sikyu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended