^

Metro

Kamatayan sa 2 rapist

-
Isang dating kapitan ng Philippine Air Force ang hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa 12 anyos niyang pamangkin sa Pasay City noong nakaraang taon.

Sa desisyon ni Pasay City Regional Trial Court Judge Lilia Lopez, si ex-PAF Capt. Marcial Llanto, 52, nakatira sa #12th 29th st., Villamor Airbase nabanggit na lungsod ay napatunayang nagkasala at pinagbabayad rin ng hukuman ng halagang P75,000 civil indemnity at P50,000 moral damages.

Sa rekord ng korte, 10 taon pa lamang ang biktima na itinago sa pangalang Mina ay pinagsasamantalahan na siya ng akusado. Ang dalagita ay inihabilin ng mga magulang nito sa asawa ng akusado na nagsisilbing mga guardian niya.

Nalaman rin na ang akusado ay may nakabinbing kasong rape sa Cebu City RTC.

Samantala, kinatigan ng Korte Suprema ang parusang kamatayan sa isang ama na gumahasa sa sariling anak sa Quezon City.

Sa rekord ng korte, sinimulang abusuhin ng akusadong si Francisco Navida ang kanyang 15 anyos na anak simula Setyembre 1994 at natigil lamang noong Enero 1996 makaraang magsumbong ang biktima sa kanyang ina. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Grace Amargo)

CEBU CITY

FRANCISCO NAVIDA

GRACE AMARGO

KORTE SUPREMA

LORDETH BONILLA

MARCIAL LLANTO

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE LILIA LOPEZ

PHILIPPINE AIR FORCE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with