Contractor na naglaro ng baril, natodas

Aksidenteng nabaril ng isang contractor ang kanyang sarili na naging sanhi ng kanyang kamatayan, kahapon ng madaling araw sa Pasong Tamo, Quezon City.

Dead on arrival sa FEU Hospital si Emmanuel Ebeyo, 39, may asawa, ng 167 Orchids st., Pingkian 3 Bgy. Pasong Tamo.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-una ng madaling araw ng paglaruan umano ng biktima ang kanyang kalibre .45 sa loob ng silid nito ng aksidenteng pumutok at tamaan siya sa tagiliran.

Napag-alaman ng pulisya na lasing umano ang biktima ng mapagtripan nitong kalikutin ang kanyang baril. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments