^

Metro

Trader, driver kinidnap

-
Isang negosyanteng Fil-Chinese at ang driver nito ang sapilitang tinangay ng limang armadong kalalakihan habang lulan ng isang van, kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Tomas Mapua at New Antipolo sts., Sta. Cruz, Manila.

Ang mga biktima na di muna ibinunyag ang mga pangalan ay lulan ng isang Adventure na kulay asul na may plakang WHL-701 nang dukutin umano ng mga suspek na sakay ng isang silver Toyota Corona na may plakang WJP-761 o WSE-761.

Armado ng armalite at kalibre .45 baril ang mga suspek ng bumaba sa kanilang sasakyan at lapitan ang driver kasabay ng panunutok dito ng baril.

Kasunod nito ay inutusan ang mag-among biktima na sumakay sa get-away car ng mga suspek habang ilan sa mga suspek ay lumipat sa sasakyan ng negosyante at pinaharurot patungo sa di-malamang direksyon.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARMADO

CRUZ

ELLEN FERNANDO

FIL-CHINESE

ISANG

KASUNOD

NEW ANTIPOLO

TOMAS MAPUA

TOYOTA CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with