Dalagita tinangay ng manliligaw

Isang 15 anyos na dalagita ang hinihinalang tinangay ng kanyang manliligaw matapos itong ireport na nawawala, kahapon sa Makati City.

Sa reklamo ni Paulo Galiste, 22, ng #4669 Samar st., Bgy. Pitogo nasabing lungsod, dakong alas-10 kahapon ng umaga ng madiskubre nitong nawawala ang kanyang kapatid na si Raquel.

Ilang kapitbahay ang nagsabi na ang dalagita ay nakitang kasama ng suspek na si Roberto Pille, 25, binata, na masugid na manliligaw ng biktima.

May hinala si Galiste na binola ang kanyang kapatid at dinukot ng suspek. Ang dalawa ay kapwa pinaghahanap na ng pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments