Dinukot na estudyante nabawi; 7 kidnaper tiklo
December 5, 2000 | 12:00am
Bumagsak sa mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang pitong pinaniniwalaang miyembro ng isang kilabot na kidnap-for-ransom gang matapos matunton ang hideout ng mga kidnaper sa isinagawang operasyon sa Bgy. Ugong, Valenzuela City.
Ang nasabing operasyon ay nagbunsod naman sa pagkaligtas sa biktimang si Jefferson Lua, 14, estudyante ng Philippine Academy of Sakya. Ang biktima ay kinidnap ng mga suspek sa mismong harapan ng kanilang bahay sa Malvar st., Bagong Barrio, Caloocan City noong Nobyembre 23.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Zaldy Gilla, 41, ng Javier, Leyte; Domingo Acala, 46, ng Imelda, Tacloban City; Teodoro Villamor, 43, ng Javier, Leyte; Antonio Regis, 41, Catbalogan, Samar at Arturo Cautever mula sa Biliran, Leyte. Ang isa pa sa mga suspek na kinilala namang si Jose Duhaylungsod ay kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Panopio General Hospital matapos mabaril nang manlaban sa mga awtoridad.
Nabatid na isinagawa ang naturang operasyon matapos na ireport ng ama ng biktima na si Lua Lin Sing alyas Jimmy Sy sa PAOCTF ang umano’y paghingi ng grupo ng P10 milyong ransom money kapalit ng kalayaan ng kanyang anak. Ang ransom ay bumaba ng P1 milyon.
Walang kamalay-malay ang mga suspek na habang dini-deliver ni Sy ang ransom money sa harap ng Burger Machine, Sauyo, Novaliches dakong alas-12:30 ng hatinggabi nitong Disyembre 3 ay nakaantabay na ang mga operatiba ng PAOCTF.
Matapos makuha ang pera, sinundan ng mga tauhan ng PAOCTF ang suspek na sakay ng isang tricycle hanggang sa hide-out ng mga ito sa isang squatters’ area sa Gen. T. de Leon st., Camcam, Bgy. Ugong sa nasabing lungsod.
Agad na nagsagawa ng operasyon dito ang mga awtoridad makaraang positibong makita dito ang biktima. Pagpasok nila ng hide-out, tinangkang manlaban ng isa sa mga kidnaper na si Duhaylungsod subalit naunahan ito ng mga pulis. Nakumpiska dito ang kanyang kalibre .38 baril at nabawi ang P1 milyong ransom money. Isinugod ang nabaril na suspek sa Camp Panopio General Hospital sa Quezon City.
Ang grupo ay pinamumunuan ng isang Juanito Moreno, isang takas na bilanggo na itinuturong responsable sa serye ng robbery-hold-up at kidnapping sa Metro Manila.
Kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention ang iniharap laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am