^

Metro

Estudyante todas sa gang war

-
Isang estudyante na miyembro ng bagong tatag na ‘‘Devil Black Mafia’’ (DBM) gang ang nasawi makaraang barilin ng isang lalaki na miyembro ng kalabang gang nang sumiklab ang isang ‘‘gang war’’ sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na nakilalang si Rizaldy Roncal, Jr., 16, 2nd year high school, miyembro ng DBM at nakatira sa #315 Tulip St., Lakandula, Tondo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na umano’y pawang kasapi ng ‘‘True Brown Style’’ (TBS) gang na nakilala lamang sa mga alyas na Peter, Andrew, kapwa 16-anyos at Bobby, 17, pawang mga naninirahan sa Tagumpay St., Tondo, Maynila.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya na bandang alas-3:15 ng madaling-araw nang magkasagupa ang grupo ng DBM at TBS sa harapan ng Hair Beauty Parlor at Cebuana Pawnshop sa pagitan ng Luwalhati at Kagitingan Sts.

Nauna rito, kagagaling lamang umano sa paglalaro ng volleyball ang biktima at kanyang grupo nang napadaan ang mga ito sa naturang lugar upang bumili ng softdrinks.

Dumating naman ang grupo ng suspek at ang ilan sa mga ito ay may hawak na bote. Inatake ng mga ito ang grupo ng biktima at ipinalo ang dalang mga bote.

Sinamantala naman umano ng isa sa mga suspek na si Peter ang pagkakagulo at dumistansya ng ilang metro sa mga nagrarambulan at saka binaril si Roncal.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na nagkanya-kanyang takas ang mga suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CEBUANA PAWNSHOP

DEVIL BLACK MAFIA

ELLEN FERNANDO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

HAIR BEAUTY PARLOR

KAGITINGAN STS

MAYNILA

RIZALDY RONCAL

TAGUMPAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with