^

Metro

Parking boy inutas ng kabaro dahil sa P100

-
Isang 52-anyos na parking boy ang nasawi nang siya ay hambalusin ng bato ng kasamahang parking boy na kanyang pinagbintangang nagnakaw ng kanyang P100 kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Agad na namatay ang biktimang si Patronicio Dizon, hiwalay sa asawa, ng Remedios St., Ermita, Maynila sa Philippine General Hospital habang ginagamot bunga ng pagkakahampas ng bato at pagkakabagok ng kanyang ulo.

Agad namang naaresto ng pulisya nang positibong ituro ng isang testigo ang suspek na si Sammy Corpuz, 30 anyos, binata residente ng Remedios St. ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya na dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pamamaslang sa biktima sa may iskinita ng Arquiza St., Ermita.

Bago nangyari ang insidente ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek dahil sa pagkawala ng perang P100 ng una at pinagbintangan umano nito si Corpuz na siyang kumuha.

Ayon sa saksi, nakita niya umanong nagtatalo ang biktima at suspek at nang magalit ang huli ay kumuha ng isang malaking tipak na bato at mabilis na inihampas at ipinalo sa biktima na ikinabagsak nito sa semento at nabagok ang ulo. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARQUIZA ST.

AYON

CORPUZ

ELLEN FERNANDO

ERMITA

MAYNILA

PATRONICIO DIZON

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

REMEDIOS ST.

SAMMY CORPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with