^

Metro

Kalye sa Pasay City ipapangalan kay Sarah Jane Salazar ?

-
Iginiit ni Pasay City Councilor Justo Justo ang pagpasa ng isang resolusyon sa konseho na humihiling na ipangalan sa namatay na AIDS victim na si Sarah Jane Salazar ang isang kalye sa nasabing lungsod upang maging simbolo umano ang kanyang pangalan sa pag-iwas sa sakit na ito.

Gayunman, mariing tinutulan ng ilang kasamahan ni Justo ang resolusyon dahil wala umanong naibahaging kabayanihan sa nasabing lungsod si Sarah Jane at naglalarawan lang anya ito ng pagiging isang imoral.

Ayon sa ilang konsehal, personal na interes ang motibo ni Justo at kaawa-awa lamang si Sarah Jane dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay ginagamit pa rin ang kanyang pangalan ng nasabing konsehal upang maging popular lamang sa publiko.

Si Sarah Jane ay nakatira sa San Juan st. sa nabanggit na lunsod at nais ni Justo na gawin itong Sarah Jane Salazar st.

Nauna nang nagmungkahi si Justo na magkaroon ng monumento si Salazar na tinutulan din ng mga taga-Pasay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

GAYUNMAN

IGINIIT

JUSTO

LORDETH BONILLA

PASAY CITY COUNCILOR JUSTO JUSTO

SAN JUAN

SARAH JANE

SARAH JANE SALAZAR

SI SARAH JANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with