2 jailguard bumili ng nakaw na component sa dati nilang preso
December 1, 2000 | 12:00am
Bumibili ng nakaw na gamit ang ilang miyembro ng Caloocan city jail sa kanilang dating preso na nakalaya na matapos madiskubre ang ibinentang isang component sa dalawang jailguard dito.
Sa reklamo ni Loida Acab, 28, ng Int. J Rodriguez Bgy. 70 naturang lungsod, ninakaw umano ng kanyang pamangking si Oliver dela Cruz at Ariel Luga na nakikitira sa kanilang bahay ang kanyang Pioneer component noong Martes ng gabi.
Nadiskubre ang pagnanakaw kinabukasan at nagsumbong si Acab sa bgy. official na si Regine Suarez na agad namang kumausap kay Luga. Inamin nitong sila nga ni dela Cruz ang nagnakaw ng component at kanila itong dinala sa Caloocan jail at itinurong ibinenta kina JO1 Baluyot at JO3 Mato sa halagang P24,200.
Napag-alaman na si dela Cruz ay dating nakulong sa city jail sa kasong pagnanakaw at ilang linggo pa lamang itong nakakalaya.
Patuloy na pinaghahanap si dela Cruz habang inihahanda ang kasong anti-fencing law laban sa dalawang jail guard, samantala nakakulong naman si Luga. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest