^

Metro

Grade 4 pupil nakatapak ng paa, sinaksak, patay

-
Isang grade-4 pupil ang nasawi matapos itong saksakin ng isa sa grupo ng mga kabataan nang matapakan nito ang paa ng isa sa mga suspek sa tapat ng kanilang eskuwelahan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital ang biktima sanhi ng tinamo nitong malalim na saksak sa kanang dibdib na si Benjamin Gutierrez, 10, mag-aaral ng Sampaguita Elementary School at residente ng #3977 Camia st., Camarin ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang anim na di-nakikilalang suspek na tumakas matapos na iwang duguan ang biktima.

Nabatid na dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay kalalabas pa lamang ng nasabing paaralan at magpasyang magpahinga sa harap ng eskuwelahan habang hinihintay nito ang ilang kamag-aral na kanyang kasabay sa pag-uwi.

Habang naghihintay ay naglakad-lakad muna ang biktima hanggang sa matapakan nito ang paa ng isa sa mga suspek. Humingi naman agad ito ng dispensa subalit hindi akalain ng biktima na nagtanim ng galit ang grupo ng suspek at habang nakaupo ang una sa tapat ng kanilang paaralan ay bigla na lamang itong nilapitan at sinaksak sa dibdib.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang ang nakahandusay na biktima ay isinugod ng mga nagmalasakit na mamamayan sa nasabing pagamutan subalit kaagad din itong binawian ng buhay. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BENJAMIN GUTIERREZ

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

CAMIA

GEMMA AMARGO

HABANG

HUMINGI

ISANG

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

SAMPAGUITA ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with