Anak nakatawa pa habang pinapatay ang ama
December 1, 2000 | 12:00am
Isang umanoy sira-ulong anak ang nakatawa pa habang walong ulit na sinasaksak ng screwdriver hanggang sa mapatay ang kanyang sariling ama na magdiriwang sana ng kanyang ika-60 taong kaarawan ngayon, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Kinilala ni SPO1 Lewelie Cristobal, ng Homicide Section, Makati City police ang suspek na si Jerwin Minggoy, 29, nakatira sa #25 Kalayaan Avenue, Bgy. Cembo ng nabanggit na lungsod ay nakakulong ngayon sa nasabing himpilan.
Samantala, hindi na makapagseselebreyt ng kanyang ika-60 taong kaarawan si Mang Julio, 59, welder ng nabanggit na address na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Cristobal, naganap ang insidente dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa nabanggit na address.
Nanonood ng telebisyon ang mag-ama nang hindi namalayan na kumuha ng screwdriver ang suspek na si Jerwin at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang tatay niya.
Nagtatakbo sa labas ng bahay ang matandang Minggoy upang iligtas ang sarili subalit hinabol pa ito ng saksak ng suspek na nakatawa pa.
Mabilis namang dinakip ng mga alagad ng batas ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended