^

Metro

Trader tinangay ng 3 'pulis'

-
Isang negosyante ang umano’y dinukot ng tatlong di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang mga pulis sa Tondo, Maynila kamakailan.

Sa ulat ng Western Police District General Assignment Division, kinilala ang biktima na si Alfredo Carreon, 45, may asawa, may negosyong buy-and-sell at nakatira sa #488 Dandan st., Tondo.

Sa naantalang report ng maybahay ng biktima na si Gng. Leonora, 43, noong nakalipas na Nobyembre 23 ay nagtungo ang kanyang asawa sa bahay ng isang kaibigan na nakilala lamang sa pangalang ‘Ressing’ sa Mata st. upang ibalik ang hiniram nitong travelling bag.

Matapos magkita ang magkaibigan at maibalik ang bag ay umuwi na ang biktima subalit sa daan ay hinarang siya ng tatlong di-kilalang lalaki na sakay ng isang owner-type jeep at tinangay ang negosyante.

Ayon sa ginang, bandang alas-4 ng hapon noong Nobyembre 24, tumawag sa kanya ang kanyang asawa at humihingi ng tulong dahil pinahihirapan umano siya ng kanyang mga kidnaper.

Ayon pa sa biktima, pinipilit umano siya ng mga suspek na ilabas nito ang mga malalakas na kalibre ng baril na laman ng travelling bag na kanyang isinauli sa kanyang kaibigan bagaman sinabi ng una sa mga suspek na wala siyang alam sa kanilang mga sinasabi.

Iyon na umano ang huli nilang pag-uusap.

Iniutos na ni WPD Director Chief Supt. Avelino Razon ang paghahanap at imbestigasyon sa kaso ng naturang negosyante. Inaalam din ng awtoridad kung nagbebenta o bumibili ng mga baril ang biktima o napagkamalan lamang ito dahil sa paghiram ng travelling bag sa isang kaibigan. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALFREDO CARREON

AVELINO RAZON

AYON

DANDAN

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELLEN FERNANDO

GNG

NOBYEMBRE

WESTERN POLICE DISTRICT GENERAL ASSIGNMENT DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with