Mag-utol na pulis masisibak: Promotional exam ni kuya si utol ang kumuha
November 29, 2000 | 12:00am
Nanganganib na matanggal sa serbisyo ang isang pulis, matapos itong madiskubre na siya ang kumuha ng pagsusulit ng National Police Commission (NAPOLCOM) exam para sa kanyang nakatatandang kapatid na isa ring pulis, kamakailan.
Sa report ng NAPOLCOM, nanganganib na matanggal sa tungkulin si PO3 Norberto Bartolome, nakatalaga sa PNP National Headquarters Support Services, Kampo Crame, gayundin ang kanyang nakatatandang kapatid na nakilala namang si SPO2 Victorino Bartolome.
Ayon sa NAPOLCOM, noong Nobyembre 26 taong kasalukuyan, nagkaroon ng PNP entrance at promotional exam sa Building I, Room 7, Fort Bonifacio High School, Fort Bonifacio, Makati City.
Kukuha ng pagsusulit si SPO2 Bartolome subalit ang kumuha ng pagsusulit para sa kanya ay ang kanyang kapatid na si Norberto.
Dahil sa mga kaduda-dudang record kung kayat nadiskubre na nagkaroon ng "cheating" sa nasabing PNP exam. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended