^

Metro

Balo di na nakaiskor, ninakawan pa ng pick-up girl

-
Isang biyudo ang naloko ng isang pick-up girl matapos itong makuhanan ng pera na ibibili umano ng huli ng shabu na kanilang gagamitin bago sila magtalik, kahapon ng madaling-araw sa Cubao, Quezon City.

Sa ulat ng Central Police District Station 10, bandang alas-3 ng madaling-araw ng magkasundo ang biktimang si Valentino Samano, 37, ng #6 Sauyo, Bagbag, Novaliches, QC at suspek na nakilala lamang sa alyas Lani, sa halagang P500 para sa panandaliang-aliw.

Niyaya ng suspek ang biktima sa kanyang inuupahang kuwarto sa squatters’ area, Lantana, QC na doon na lamang ‘magparaos’ upang makatipid.

Pagdating sa nasabing lugar ay humingi ang suspek sa biktima ng panibagong P500 na ibibili umano ng shabu na gagamitin ng suspek bago sila magtalik.

Subalit ilang oras na ang nakakalipas ay di pa dumarating ang suspek na naglaho kasama ng kanyang P1,000. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BAGBAG

CENTRAL POLICE DISTRICT STATION

CUBAO

ISANG

LANI

NIYAYA

NOVALICHES

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

VALENTINO SAMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with