^

Metro

Maid nabigong magahasa, rapist inabangan bago tinodas

-
Binaril at napatay ang isang katulong ng kanyang lalaking kapitbahay matapos umano itong mabigong gahasain ng huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan.

Kinilala ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Caloocan City police station 2 ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Caloocan na si Violeta Eduardo, ng 121 Aglipay st., nabanggit na lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Gabriel Angeles, alyas "BokBok",52, at kapitbahay ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Alberto Eustaquio, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi ng maganap ang pamamaril di-kalayuan sa bahay ng biktima.

Nabatid na naglalakad ang biktima di-kalayuan sa bahay nito nang biglang lapitan ni Angeles sabay bunot ng kanyang kalibre .45 at saka pinaputukan ito ng malapitan sa ulo.

Nabatid mula sa kapitbahay ng biktima na ayaw magpabanggit na pangalan, bago maganap ang naturang insidente ay ipinagtapat sa kanya ni Eduardo na pinasok siya sa loob ng kanyang tahanan ng suspek at pinagtangkaan siyang halayin subalit nagawa niyang makatakbo papalabas ng kanyang bahay.

May hinala ang pulisya na maaaring natakot ang suspek na magsumbong ang biktima sa mga awtoridad kaya’t upang mapagtakpan ang ginawa nitong tangkang panggagahasa ay inunahan niya itong patahimikin. (Ulat ni Gemma Amargo)

AGLIPAY

ALBERTO EUSTAQUIO

BIKTIMA

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

EDUARDO BAYANGOS

GABRIEL ANGELES

GEMMA AMARGO

NABATID

VIOLETA EDUARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with