Ex-PBA import player sabit sa rape
November 27, 2000 | 12:00am
Isang dating import player ng Philippine Basketball Association (PBA) na nasa koponan ng Pop Cola ang nahaharap sa kasong panggagahasa, matapos itong ireklamo kahapon ng isang dancer sa Makati City.
Kinilala ni PO3 Gemma Reyes, ng Women’s and Children’s Desk Section, Makati City ang suspek na si Sean Green, may sapat na gulang, pansamantalang nanunuluyan sa no. 705 Prince Plaza, panulukan ng Legaspi Dela Rosa Streets, Legaspi Village ng nabanggit na lungsod, na hanggang sa ngayon nakalalaya pa.
Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Lolet, 24 anyos, dalaga, isang commercial dancer at nakatira sa Dalandan St., Block 6, Barangay West Rembo, Makati City.
Base sa reklamo ng biktima kay PO3 Reyes, naganap ang insidente dakong alas-4:40 ng umaga noong Nobyembre 24 ng taong kasalukuyan sa tinutuluyan ng suspek.
Nabatid na sumama ang babae sa condominium na tinutuluyan ng nasabing manlalaro at dito naganap umano ang panggagahasa sa biktima.
Malaki naman ang hinala ng pulisya na hindi ito binayaran ng nasabing manlalaro. Kaya nagreklamo sa pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest