^

Metro

Lola, 4 apo natusta sa sunog

-
Isang lolo kasama ang kanyang apat na apo ang nasawi habang apat na katao naman ang malubhang nasugatan nang masunog ang tatlong palapag na gusali sa Malate Manila kahapon ng madaling araw.

Ayon sa mga arson pro-bers, isang naiwang kandila ang pinagmulan ng sunog na naganap bandang alas-11:14 ng gabi, na nagmula sa unit na tinutuluyan ng isang Zenaida Ogario na nasa ikalawang palapag.

Kasalukuyan namang natutulog ang mga biktima nang nasusunog ang nasabing gusali na matatagpuan sa 2172 Fidel Reyes, St., Malate, Manila, kaya’t hindi na nagawang makaligtas ang mga biktima.

Halos hindi na makilala ang mga nasawing sina Patricio Bustillo, 72, at mga apong sina Marvin Macacando, 3; Nilo Macacando Jr., 7; Boy Ballo, 4; at, Maria Ballo, 3.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sina Mark Anthony Pardosa, 20; Filomenso Quijado, 36; magkapatid na Marinel, 4 at Nelmar Macacando, 5.

Isinugod sa PGH at Ospital ng Maynila.

Dahil sa lakas ng apoy ay nahirapan ang mga bumbero na maapula at dineklara itong fire-out dakong alas-12:27 at patuloy na inaalam ang halaga ng napinsala ng sunog. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BOY BALLO

ELLEN FERNANDO

FIDEL REYES

FILOMENSO QUIJADO

MALATE MANILA

MARIA BALLO

MARK ANTHONY PARDOSA

MARVIN MACACANDO

NELMAR MACACANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with