Sa reklamo ni PO2 Ronaldo Villaranda, 31, miyembro ng Makati City Police at nakatalaga sa Makati Police Station 9 ng nasabing lunsod, bumili ito ng 5 piraso ng Magnolia Premium Full Cream Milk na may halagang P14.80 bawat isa noong Nobyembre 23, dakong alas-6 ng gabi matapos itong maglibot sa naturang establisimiyento.
Dahil nauuhaw ay agad nitong binuksan ang isang kahon ng gatas upang uminom subalit nailuwa nito dahil panis ang nalasahan at masangsang din ang amoy nito.
Nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng tiyan si Villaranda kayat nagtungo ito sa complaint desk ng Makati City Police at nagreklamo laban sa pagbebenta ng Landmark Supermarket ng umanoy expired na produkto.
Sinabi rin ni Villaranda na hindi niya kaagad napuna ang expiration date sa biniling produkto ng Magnolia at tiwala naman siya kaya nainom nito ang halos kalahati ng laman ng isang kahon.
Dinala ang natira pang apat na kahon ng gatas ng Magnolia sa Makati City Health Office upang masuri at maimbestigahan ang nasabing supermarket na nagbebenta ng expired na mga produkto. (Ulat ni Lordeth Bonilla)