^

Metro

Parak nagreklamo sa nainom na panis na gatas

-
Inireklamo kahapon ng isang pulis Makati ang Landmark Supermarket sa pagbebenta ng mga luma at panis umano na gatas na kanyang nainom kamakalawa sa Makati City.

Sa reklamo ni PO2 Ronaldo Villaranda, 31, miyembro ng Makati City Police at nakatalaga sa Makati Police Station 9 ng nasabing lunsod, bumili ito ng 5 piraso ng Magnolia Premium Full Cream Milk na may halagang P14.80 bawat isa noong Nobyembre 23, dakong alas-6 ng gabi matapos itong maglibot sa naturang establisimiyento.

Dahil nauuhaw ay agad nitong binuksan ang isang kahon ng gatas upang uminom subalit nailuwa nito dahil panis ang nalasahan at masangsang din ang amoy nito.

Nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng tiyan si Villaranda kaya’t nagtungo ito sa complaint desk ng Makati City Police at nagreklamo laban sa pagbebenta ng Landmark Supermarket ng umano’y expired na produkto.

Sinabi rin ni Villaranda na hindi niya kaagad napuna ang expiration date sa biniling produkto ng Magnolia at tiwala naman siya kaya nainom nito ang halos kalahati ng laman ng isang kahon.

Dinala ang natira pang apat na kahon ng gatas ng Magnolia sa Makati City Health Office upang masuri at maimbestigahan ang nasabing supermarket na nagbebenta ng expired na mga produkto. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DAHIL

LANDMARK SUPERMARKET

LORDETH BONILLA

MAGNOLIA PREMIUM FULL CREAM MILK

MAKATI CITY

MAKATI CITY HEALTH OFFICE

MAKATI CITY POLICE

MAKATI POLICE STATION

RONALDO VILLARANDA

VILLARANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with