^

Metro

Basura sa Metro wala pang solusyon

-
Wala pang napagkakasunduang pamalit sa pagtatapunan ng basura ng Metro Manila sa napipintong pagsasara ng San Mateo Landfill sa Disyembre 31, 2000.

Ayon kay Secretary Roberto Aventajado ng Greater Metro Manila Solid Waste Management Committee maraming sagabal at problemang legal na kinakaharap ang komite para maisaayos na ang pamalit na tapunan ng basura bagaman isang buwan na lang ang nalalabi para maisakatuparan ang direktiba ng Pangulong Estrada.

Si Aventajado ang inatasan ni Estrada na humanap ng lugar na mapagtatayuan ng sanitary landfill kaugnay ng kautusan niyang isara na ang San Mateo sa katapusan ng Disyembre ng taong ito.

Ayon kay Aventajado naging kumplikado ang sitwasyon dahil sa pagpapalabas ng ilang korte ng temporary restraining order na nagpahinto sa paghahanap ng permanenteng lugar na mapaglalagyan ng basura. Pupulungin uli ni Aventajado ang mga MM mayor para sa paghahanap ng lugar na mapagtatapunan ng basura kapalit ng San Mateo landfill. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

AVENTAJADO

AYON

DISYEMBRE

GREATER METRO MANILA SOLID WASTE MANAGEMENT COMMITTEE

LILIA A

METRO MANILA

PANGULONG ESTRADA

SAN MATEO

SAN MATEO LANDFILL

SECRETARY ROBERTO AVENTAJADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with