^

Metro

Dalaga grabe sa tama ng ligaw na bala

-
Kritikal ang isang 21-anyos na dalaga matapos itong tamaan ng ligaw na bala habang nag-aaway ang dalawang grupo ng fraternity, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang biktimang si Raquel Muñoz ng 113 9th Ave., West ng nasabing lungsod ay kasalukuyang inoobserbahan sa Chinese General Hospital matapos itong magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa leeg.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na kinilala ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Caloocan police station 2 na si Christopher Hernandez, 19, ng 10th Ave. na tumakas matapos ang nasabing insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng P. Galauran st. at 10th Ave. nang magkaroon ng habulan ang dalawang di-nabanggit na fraternities kung saan kabilang dito ang suspek.

Habang nasa kainitan ng kaguluhan ang dalawang grupo ay bigla na lamang nagpaputok ang isa sa mga suspek subalit minalas namang matamaan ng ligaw na bala ang biktima na noon ay namamalantsa sa loob ng kanilang bahay.

Kaagad naituro ng ilang mga nakasaksi ang suspek subalit tumakas ito kasama ang kanyang grupo. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CHRISTOPHER HERNANDEZ

EDUARDO BAYANGOS

GALAURAN

GEMMA AMARGO

HABANG

KAAGAD

RAQUEL MU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with