Sepulturero naghukay ng sariling libingan bago nagbigti
November 24, 2000 | 12:00am
Naghukay muna ng kanyang sariling libingan bago tuluyang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang sepulturero kahapon ng umaga sa Sangandaan cemetery, Caloocan City.
Kinilala ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Station 2 ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital na si Jonathan Reyes, 31, ng 699 Gen. San Miguel st., nasabing lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Edgar Manapat na bago nagbigti ang nasawi ay nakita pa ito ng kanyang kasamahan na naghuhukay ng lupang paglilibingan at pabiro pa itong nagsabi na hinuhukay niya ang kanyang sariling libingan.
Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lamang ang biktima na nakabitin na sa likod ng isang musoleo gamit ang isang telephone wire, may dalawang metro ang layo mula sa hinukay nitong libingan.
Nangingisay pa ang biktima nang ito ay pagtulungang ibaba ng mga nakasaksi at agad isinugod sa MCU Hospital.
Ayon naman sa asawa nitong si Evelyn, posible umanong ang kakapusan sa perang pambili ng kanyang mga gamot ang nagtulak sa kanyang asawa para wakasan ang kanyang buhay.
Napag-alaman na ang asawa ng biktima ay matagal nang ipinagagamot ng nasawi bunga ng iba’t ibang uri ng sakit na matagal nang nagpapahirap kay Evelyn. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest