Electrician nasobrahan sa sex, todas
November 23, 2000 | 12:00am
Nasawi ang isang 30-anyos na electrician nang atakihin ito sa puso matapos na makipagtalik sa kanyang nobya sa loob ng isang motel, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital si Danilo Gabanban, electrician at residente ng #108 J. Ramos st., Libis Espina ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat ni Chief Insp. Alfredo Corpuz, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) ng Caloocan police, alas-4:15 ng umaga kahapon nang sumpungin ang biktima sa loob ng Sogo Motel na matatagpuan sa LRT-North Mall, Caloocan.
Napag-alaman na dakong alas-10:23 kamakalawa ng gabi nang mag-check-in ang biktima kasama ang kanyang nobyang si Cathy Dizon, 30, ng Taguig, Metro Manila.
Sa salaysay ng babae, matapos umano ang matagal nilang pagtatalik ng biktima ay bigla na lamang itong dumaing ng paninikip ng dibdib na naging dahilan upang humingi si Dizon ng tulong sa cashier ng nasabing motel.
Kaagad isinugod ang biktima sa naturang pagamutan subalit habang nilalapatan ng lunas si Gabanban ay namatay ito.
May palagay ang pulisya na lubha umanong napagod ang biktima sa pakikipagtalik kay Dizon na naging dahilan upang sumpungin ng kanyang sakit. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest