Rallyistang haharang sa kalsada aarestuhin
November 23, 2000 | 12:00am
Binalaan kahapon ni Western Police District Director Chief Supt. Avelino Razon ang mga ralista na muling haharang sa mga kalsada sa Maynila na aarestuhin nila ang mga ito oras na muling magdulot ng pagsisikip sa trapiko.
Inatasan ni Razon ang mga commander ng 11 police stations ng Maynila na huwag nang hintayin pa ang kanyang kautusan bago arestuhin ang mga nasabing ralista dahil ang ginagawa ng mga ito ay maituturing na civil disobedience, na isang paglabag sa batas.
Nilinaw pa rin ni Razon na malaking perwisyo ang idinudulot ng mga nasabing grupo lalo na sa mga nagtatrabaho at estudyante.
Ito ang naging aksyon ni Razon makaraang maparalisa ang daloy ng trapiko sa Morayta sa Recto Avenue o mas kilala bilang University Belt nang magsagawa ng kilos-protesta ang mga militanteng grupo na tumagal ng kalahating oras.
"We cannot have demonstrators who claim protection from the law to exercise their rights and freedom and yet be the very violators of the same law. Road blockades, barricades and obstruction are clear violations of the law," ani Razon.
Samantala, ilang militanteng grupo naman ang nagpahayag na sila ay handa sa gagawing pag-aresto sa kanila ng mga elemento ng WPD. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended