^

Metro

Killer sa kumanta ng 'My Way' hinatulan ng life

-
Nakatakdang mabulok ngayon sa bilangguan ang isang sarhento ng Philippine Army matapos na hatulan ng habambuhay na pagkakulong ng Pasig City Regional Trial Court nang mapatunayang bumaril at pumatay sa isang lalaki na kumanta ng awiting "My Way" sa isang videoke bar noong nakaraang taon sa Taguig, Metro Manila.

Bukod sa pagkakulong, nakatakda pang magbayad ng halagang P100,000 bilang danyos ang akusadong si Reynaldo Lababit, 40, nakatalaga sa Philippine Army Intelligence Security Group sa Fort Bonifacio.

Sa 24-pahinang desisyon ni Judge Edwin Villasor ng Branch 265, napatunayang binaril sa mukha at napatay ni Lababit ang biktimang si Ernesto Beltran, may-ari ng isang repair shop, sa loob ng Cafe Videoke Bar sa may Signal Village dakong alas-12 ng gabi noong Hulyo 9, 1999.

Kumakanta umano ang biktima ng sikat na awitin ni Frank Sinatra na "My Way" nang sumigaw si Lababit ng, "Hindi ko matiis ang ingay. Ayoko na dito!" at mag-isang lumabas ng videoke bar.

Ibinasura ng korte ang alibi nito na nagtanggol lamang siya sa sarili kaya niya nabaril ang biktima. Ayon kay Judge Villasor, agad sana siyang sumuko kung pinagtanggol lamang niya ang sarili at isa pa, labag ang pagdadala ng baril ng isang militar sa mga establisimiyento. (Ulat ni Danilo Garcia)

CAFE VIDEOKE BAR

DANILO GARCIA

ERNESTO BELTRAN

FORT BONIFACIO

FRANK SINATRA

JUDGE EDWIN VILLASOR

JUDGE VILLASOR

LABABIT

METRO MANILA

MY WAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with